JUAN AWARDS 2025
Tinanggap ni Punong Barangay Jaddy C. Alarca ang pagkilala sa Barangay Cabezas bilang Passer ng Seal of Good Local Governance for Barangay para sa taong 2024, sa JUAN Awards 2025, na ginanap noong Dec. 2, 2025 sa City of Santa Rosa Auditorium, City of Santa Rosa, Laguna. Kasama din sa parangal ang iba pang Punong Barangay sa Trece Martires na ang barangay ay Passer din ng Seal of Good Local Governance for Barangay.
Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay nagpaparangal sa mga huwarang barangay sa buong CALABARZON sa pamamagitan ng DILG IV-A na nagpakita ng hindi natitinag na dedikasyon, integridad, at inobasyon sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko. Mula sa epektibong pamamahala hanggang sa pagbibigay-kapangyarihan sa komunidad at naglilingkod nang may layunin.
Ang Sangguniang Barangay ng Cabezas, sa pangunguna po ni PB Jaddy C. Alarca ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng bahagi ng Barangay Cabezas, mula sa mga opisyal hanggang sa mga kawani dito at maging sa mga mamamayan ng Cabezas dahil hindi makakamit ang pagkilala at tagumpay na ito kung wala ang pakikiisa, pagsuporta at pagtanggap ninyo sa mga programa at proyekto ng Barangay. Mula po sa kaibuturan ng aming mga puso, MARAMING SALAMAT PO!
Back to Announcements