Mga Dapat Malaman tungkol sa RA 11930 o Anti-Online
Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-child Sexual Abuse or
Exploitation Materials (CSAEM) Act
Mga
Nakapaloob sa RA 11930
- Koordinasyon sa internet service providers at
telecommunications companies upang matanggal at mapigilan agad ang pagkalat ng
CSAEM sa internet
- Responsibilidad ng mga may-ari ng internet café,
hotspots at kiosks na ipabatid sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ng RA
11930 ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata online at offline.
- tungkulin ng mga may-ari, nagpapaupa, sub-lessors,
operators at tagapangasiwa ng mga hotel, motel, residential homes,
condominiums, dormitories, apartments, transient dwellings at iba pa, na
ipaalam sa NCC-OSAEC-CSAEM and anumang pangyayari ng OSAEC sa kanilang lugar.
- Offenders Registry- pagkakaroon ng talaan ng child
sexual offenders.
- Pangangalaga ng mga lokal at nasyonal na ahensya sa
mga Kabataang naging biktima ng sekswal na pang aabuso.
OSAEC
- Tumutukoy sa paggamit ng Information and
Communications Technology (ICT) sa sekswal na pang-aabuso at/o pananamantala sa
mga bata
- Kabilang dito ang mga sitwasyon kung saan bahagi ng
offline na pang-aabuso at/o pananamantalang sekswal ay isinagawa online.
- Saklaw nito ang produksyon, pagpapakalat at pag-aari
ng CSAEM mayroon man o walang pahintulot ng biktima.
CSAEM
- Tumutukoy sa mga material na naglalarawan sa isang
bata na kasali o nakikibahagi sa sekwal na aktibidad, maging tunay man ito o
kunwari lamang
- Kasama rito ang mga material na nagpapakita sa
sekwal na pang aabuso at/o pananamantala sa isang bata, naglalarawan sa bata
bilang isang sekswal na bagay, o nagpapakita ng mga pribadong bahagi ng katawan
ng isang bata
- Ang mga material na ito ay maaaring ginawa offline o
sa pamamagitan ng ICT
Paano
makaiiwas sa OSAEC?
- Huwag magbahagi ng personal na impormasyon, litrato
at video sa mga taong nakilala lamang sa internet.
- Para sa mga magulang, siguraduhing gabayan at
i-monitor ang mga kausap at Gawain ng inyong mga anak sa social media.
- Kung maaari, panatilihing pribado lamang sa inyong
pamilya at kaibigan ang mga litrato at video ng inyong mga anak.
- Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan kung makaranas ng
kahit anong paraan ng pang-aabuso.
Ang RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse or
Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation
Materials (CSAEM) Act ay isang modernong batas na may layong maging solusyon sa
isang modernong problema- ang digital child sexual abuse.
Last updated: January 06, 2026 05:34 PM